Pagsulong sa kabila ng pagsubok

Pagsulong sa kabila ng pagsubok.

Bagamat matagal at paulit-ulit na tayong naghihigpit at lumuluwag sa mga kwarantin na ipinapatupad sa ating bansa, iisa lang ang nababakas sa mga buhay ng mga Pilipino araw-araw, pagsulong at pagtataguyod sa pamilya sa kabila ng pagsubok na sinasagupa araw-araw.

Nababata ng mga manggagawa ang lahat para sa kanilang mga pamilya. Nadagdag isuot araw-araw ang proteksyon laban sa nakakahawang sakit, pero talaga nga bang napoproteksyunan tayo sa totoong sakit sa bansa?

“Ano nga ba ang tunay na pagsubok? Ang Pandemya o ang sistema?” – Tanong ng Pilipinong lumalaban.