by Psalmir Feliciano Barrios
Binusalan ang sarili para manatiling humihinga
Dumaing kung ‘hanggang kailan kaya?’
Hindi matatapos aking pagsagupa
Hindi ako handang kamayan ang pagkalupig
Ilang daang libong inabandonang kaluluwa
Umaawit mula sa hawlang guniguni
Karamay sa aking paghikbi
Pagtapos mangilala ng latay sa kanilang mata
Nilulon ang pinaghalong dugo, pawis at luha
Banlawan ang lasang kumapit na sa dila
Yapos ng apoy sa baga
At halik sa talampakan ng emperador
Tanikala ng tadhana ang aking katunggali
Paglaban ang aking panata
Dasal ang aking paglimos
Para sa nabubuwal na bubog ng basag na bahaghari